Monday, October 25, 2010

Super BLESSED :)

Super Dami kong problema.. Sa Family,friends, financial, School etc. Dumadating sa point na nanghihina ako at parang di ko na kaya.. Pero pag nakikita ko yung problema ng ibang tao, narerealize ko na maswerte parin ako. Naisip ko hindi lang naman pala ako ang may problema e. LAHAT NG TAO meron non.. nasa pagdadala lang! SANAYAN LANG.. tska ang problema hindi mo pwedeng takasan, pero alam kong lilipas din..


Now, im so happy :) hahaha ... Lahat ng problema ko ok na. Lumipas na at nasulusyunan na. Ang buhay kasi paikot-ikot lang. Minsan nasa taas ka minsan nasa baba naman, minsan masaya ka minsan malungkot ka, minsan maraming problema .. hindi pala minsanan ang problema .. Mali mali erase erase :D Madalas maraming problema. Sabe ko ok lang. Kung lahat ng tao walang pinoproblema paano ka magiging matatag, ang trials sa buhay ang nag papatatag sa sarili mo :) ang nag papatapang sayo. 


Hindi ka naman bibigyan ng problema ni God kung alam nyang hindi mo kaya diba? Ikaw lang sa sarili mo ang nagsasabing hindi mo kaya, kasi  iniisip mo hindi mo talaga kaya lagpasan ang mga yon. Ako? sinasabe ko sa sarili ko pag may problema ako. ok lang ! Andyan si God ohh.. Hindi nya ko papabayaan. basta magtiwala lang tayo sa kanya. at un na nga . Lagi akong nag dadasal [di lang siguro halata] Hindi para humiling ng kung anu-anong bagay. Nagdadasal ako dahil nag papasalamat ako na ganito lang ung mga problema na dumadating sakin. at dahil dun natutunan kong maging matatag sa buhay ko. hahaha yun yon e. PROBLEMA?? maiba naman. puro problema sinasabe ko e. 


Super Blessed ako, you know why? SECRET. :P hehe. joke ! Kasi  binigay na ni God yung matagal ko nang gustong gawin na akala ko sa future ko pa pwedeng mangyari.  Hindi pala. nagkamali ako.Alam mo kung ano? Yung Makatulong ako sa FAMILY ko, especially to my mom (mama). Yung makatulong ako sa mga magulang ko. Yung lang ang pangarap ko sa buhay ko ang mabigyan sila ng magandang buhay at masuklian ko naman sila kahit papano.. Wala naman kasi tlaga akong panagarap dati e. (kawawa naman pala ako) haha.


Nung Napasok ako sa MLM or Multi-level Marketing or known as Networking ..
Marami akong narealize don. at alam ko sa ganitong parte ng business ako aasenso hahaha :D
Thankful talaga ako sa highschool friend ko na ilang beses akong dinala sa iba't-ibang company :)


Ito na siguro ang BREAK ko. haha (skyflakes?) at alam ko balang araw magiging mayaman ako. at magiging successful sooooooooooooon :) PERIOD.


THANK YOU po Lord :)) for this oppurtunity ...

No comments:

Post a Comment